Tuesday, August 18, 2009
pakikinig
PAKIKINIG
– ang paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating pandinig. Ang kakayahang matukoy at maunawaan ang sinasabi ng ating kausap. Ito ay nagtataglay ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita, ang kanyang balarila at talasalitaan, kasama ang pagbibigay-kahulugan niya sa mga ito.
Uri ng Pakikinig
1. Pasiv o marjinal na pakikinig
pakikinig habang may ginagawang ibang bagay
Hal. Pakikinig sa radyo habang nakikipag-usap, nag-aaral o gumagawa ng ibang bagay at hindi nakatuon ang pansin sa naririnig.
2. Atentiv na pakikinig
pakikinig na ang layunin ay ang kawastuhan ng pagkaunawa sa teksto. Hal. kung ibig mapakinggan ang mga detalye o paksang-diwa ng isang teksto.
3. Pakikinig na analitical
ginagawa kapag ang layunin ay ang pagtataya kung sapat, valid, mahalaga, o karapat-dapat ang teksto. Sa ganitong uri ng pakikinig tinataya ng indibidwal ang narinig batay sa sariling karanasan o sa dati na niyang kaalaman.
4. Pakikinig na apreciativ
ginagawa ng isang tao kapag siya’y nakikinig sa isang kwento, pangyayari, at musika para sa sariling kasiyahan.
Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig
1. Maging handa sa pakikinig
2. Sikaping magkaroon ng kawilihan
3. Bigyang pansin ang pagitan ng pagsasalita at pakiking
4. Kilalanin ang mahahalagang puntos
5. Iwasan ang maagang pagpuna sa tagapagsalita
6. Iwasan ang maagang pagpuna sa mensahe
7. Sikaping huwag pansinin ang mga bagay na makagagambala sa pakikinig
Mga Bagay na may Kinalaman sa Pakikinig
1. Ang kapaligiran ng silid
2. Kakayahan ng tagapakinig
3. Ang konsentrasyon ng nakikinig
4. Ang Channel
Elemento na Nakakaimpluwensya sa Pakikinig
1. Oras
2. Channel
3. Edad
4. Kasarian
5. Kultura
6. Konsepto
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment