Monday, August 17, 2009







Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't - ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito. Masasabing mahigit pa sa isang mirakulo ang pagkakalinang ng wika. Ito'y nagbuhat sa isang di-pangkaraniwan, kahanga-hanga at masalimuot na sistemang sumasabay sa tao sa kanyang pag-unlad. Habang umuunlad ang tao, nalilinang ang wikang bumabagay sa kanyang pangangailangan sa buhay. Maraming paraan ng pakikipagtalastasan ngunit pinakamabisa at pinaka- mahalaga ang wika sapagkat buong linaw na naipahahayag ng tao ang lahat ng kanyang nasa isip at nadarama. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.KahalagahanKung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.[1] Mahalaga ang wika sa pakikipagtalasan maging sa pagtungo, paghahanapbuhay, at paninirahan sa ibang bansa.EtimolohiyaNag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.[1]Mga anyo ng wikaPinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.[2]Kasaysayan at teoriyaHindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing "ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan." Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba't ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng kalikasan" na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.[1]Mga katangianIto ang mga karaniwang katangian ng wika:1. may balangkas; 2. binubuo ng makahulugang tunog; 3. pinipili at isinasa-ayos; 4. arbitraryo; 5. nakabatay sa kultura; 6. ginagamit; 7. kagila-gilagis; 8. makapangyarihan 9. may antas; 10. may pulitika; 11. at ginagamit araw-araw. Mga antasKabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:· Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino · Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish" · Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan · Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook. · Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa. · Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika. Mga kagamitanIto ang pitong kagamitan ng wika:· Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan. · Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. · Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika. Kategorya ng paggamit ng wikaAng dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at inpormal o di-pormal.PormalAng pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan. 2. Pampanitikan o pangretorika - mga salitang gamitin sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining. Inpormal o di-pormalAng inpormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang. 2. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan. 3. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito. Mga sanggunian1. ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Languages". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977). 2. ↑ "Wika, salita, diyalekto, lingo [Ingles]". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990). Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/wiki/Wika"Mga katangian at kalikasan ng Wika:1. Ang wika ay mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang pinagkasunduan ng mga taong gumagamit nito.2. Ang wika ay paraan ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang ipahayag ng tao ang kanilang kaisipan, damdamin at pangangailangan.3. Ang wika ay mga isinatinig na mga tunog. Maraming tunog sa paligid ngunit hindi lahat ng tunog ay maituturing na wika. Ang mga tunog na maituturing na wika ay ang mga tunog na isinatinig sa tulong ng iba't-ibang sangkap ng pagsasalita gaya ng dila, ngalangala, babagtingang - tinig, atbp.4. Ang wika ay pantao. May mga tunog ding isinatinig ng mga hayop gaya ng kahol ng aso, unga ng kalabaw o tilaok ng manok, atbp. ngunit ang mga ito ay hindi wika. Ang wika ay pantao at magagamit ito sa pagsasalin ng kultura at may sistemang tunog at kahulugan.5. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura. Nakabatay ang wika sa kultura ng taong gumagamit ng wika. Sa pamamagitan ng wika nagkakaugnay ang tradisyon, kaugalian, mithiin, at paniniwala ng mga tao.6. Walang wikang nakatataas at mababang uri ng wika. Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian at kalikasan.
10 : 4 | 71.4% AC

No comments:

Post a Comment