Tuesday, August 18, 2009

proseo ng pakiking

8 PROSESO NG PAKIKINIG nina Clark at Richards.



TAAL NA TUNOG AT IMAHEN

Ito ang unang pagproseso ng mga tunog mula sa ispiker na magaganap nang mabilisan kasama ang mga imahe. Ang mga imahe ay tumutukoy sa mga parirala, sugnay, pananda, intonasyon at diin at tuldik sa kadaluyan ng tunog.

2. INTERPRETASYON SA MENSAHE

3. LAYUNIN NG ISPIKER



Sa prosesong ito ay inuunawa ng tagapakinig ang layunin ng ispiker kung ano ang tipo ng tunog ang nagaganap, ang kahulugan at ang nilalaman
4. BAKGRAWN NG INFORMASYON



Dito nag-iisip ang tagapakinig o kung paano niya inuunawa ang kahulugan ng paksa.
5. LITERAL NA KAHULUGAN



Sa prosesong ito ay ang pagbibigay ng tagapakinig ng karaniwas o tunay na kahulugan.
6. METAPORIKAL NA KAHULUGAN



Ang susi sa pakikipagkomunikasyon ng tao ay ang kakayahang umunawa sa inaakala at tunay na kahulugan ng mensahe.
7. RETENSYON SA MENSAHE



Dito pinoproseso ng tagapakinig kung anong mensahe ang dapat pananatilihin o dapat kalimutin.
8. PAGBURA SA NATANGGAP NA MENSAHE.



Knjige na Srpskom
Brza Isporuka u Sve Zemlje sveta ! Yu4You.com - Vodeca Online Knjizara
www.yu4you.com

Cala Ratjada Hotel Na Forana
Find Lower Hotel Rates Instantly Cala Ratjada Hotels
HotelsCombined.com/Cala_Ratjada

pakikinig


PAKIKINIG

– ang paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating pandinig. Ang kakayahang matukoy at maunawaan ang sinasabi ng ating kausap. Ito ay nagtataglay ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita, ang kanyang balarila at talasalitaan, kasama ang pagbibigay-kahulugan niya sa mga ito.

Uri ng Pakikinig

1. Pasiv o marjinal na pakikinig

pakikinig habang may ginagawang ibang bagay

Hal. Pakikinig sa radyo habang nakikipag-usap, nag-aaral o gumagawa ng ibang bagay at hindi nakatuon ang pansin sa naririnig.




2. Atentiv na pakikinig



pakikinig na ang layunin ay ang kawastuhan ng pagkaunawa sa teksto. Hal. kung ibig mapakinggan ang mga detalye o paksang-diwa ng isang teksto.

3. Pakikinig na analitical

ginagawa kapag ang layunin ay ang pagtataya kung sapat, valid, mahalaga, o karapat-dapat ang teksto. Sa ganitong uri ng pakikinig tinataya ng indibidwal ang narinig batay sa sariling karanasan o sa dati na niyang kaalaman.




4. Pakikinig na apreciativ

ginagawa ng isang tao kapag siya’y nakikinig sa isang kwento, pangyayari, at musika para sa sariling kasiyahan.



Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig

1. Maging handa sa pakikinig
2. Sikaping magkaroon ng kawilihan
3. Bigyang pansin ang pagitan ng pagsasalita at pakiking
4. Kilalanin ang mahahalagang puntos
5. Iwasan ang maagang pagpuna sa tagapagsalita
6. Iwasan ang maagang pagpuna sa mensahe
7. Sikaping huwag pansinin ang mga bagay na makagagambala sa pakikinig

Mga Bagay na may Kinalaman sa Pakikinig

1. Ang kapaligiran ng silid
2. Kakayahan ng tagapakinig
3. Ang konsentrasyon ng nakikinig
4. Ang Channel

Elemento na Nakakaimpluwensya sa Pakikinig

1. Oras




2. Channel



3. Edad


4. Kasarian



5. Kultura





6. Konsepto



Monday, August 17, 2009

mga layunin ng komunikasyon




Ang layunin ng komunikasyon ay ang maipaabot ang mensahe sa kinauukulan o pinatutungkulan nito.
ang layunin nito ay para magkaintindehan at maonawaan ang isat isa

proseso ng komunikasyon

PROSESO NG KOMUNIKASYON


Santiago T. Flora Jr.





May iba’t ibang hulwaran o modelo ng proseso ng komunikasyon na magagamit sa pagpapaliwanag at pagsusuri sa kominkasyon. Napiling talakayin dito ang prosesong NMDT (nagpapadala-mensahe-daluyan-tumatanggap). Makatutulong ang modelong ito sa pagpapaliwanag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Dito, susuriin natin ang bawat kaganapan sa nagaganap na proseso ng komunikasyon.





Kung titingnan natin ang larawan sa itaas, makikita natin na may 5 salik (essence) ang proseso ng komunikasyon; nagpapadala, mensahe, daluyan, tumatanggap at tugon o feedback. Suriin natin isa-isa ang bawat salik sa proseso.


Nagpapadala


Sa nagpapadala nagmumula ang mensahe. May limang bagay ang nakakaapekto sa nagpapadala sa anumang mensahe na kanyang nais iparating.



Kasanayang pangkomunikasyon


Ugali


Kaalaman


Katayuang panlipunan


Kultura


(Nakakaapekto rin sa tagatanggap ang 5 bagay na nabanggit)

Ang kakayahan natin sa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe ay nakabatay sa ating mga kasanayang pang-wika (verbal communication skills). May limang kasanayang pangwika; dalawa sa kasanayang ito ay nauukol sa kasanayan sa pagpapadala ng mensahe, ang pasasalita at pagsusulat; ang dalawa ay nuukol sa pagtanggap, ang pakikinig at pagbasa. Ang panlimang kasanayan naman ay mahalaga sa kapwa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ito ang kakayahan sa pag-iisip o pangangatwiran. Malaki ang maitutulong ng pagkabihasa natin sa mga kasanayang ito sa ating mabisang pakikipagkomunikasyong verbal.


Makikita rin ang kahusayan natin sa komunikasyon sa ating kakahang gumamit ng mga komunikasyong di-verbal .


Ugali, ang isa pang bagay na nakakaapekto sa ating pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Malawak ang saklaw ng pag-uugali. Subalit sa talakayang ito sikapin nating ituon ang ugali sa pangkalahatang nararandaman ng isang tao tungkol sa isang bagay. Halimbawa, maaring positibo o negatibo ang ating reaction sa opinion o mungkahi ng isa mong kamag-aral.


Nakakaapekto ang ugali sa ating pakikipagkominikasyon sa tatlong paraan. Sa ating sarili, sa paksa at sa tagatanggap o kausap.


Sa sarili – ito ang ating nararandaman habang pinapadala natin ang mensahe. Mapapansin ng tumatanggap kung tayo ay nasisiyahan o hindi. Nababawasan ng bisa ang ating mensahe kung makikita ng kausap ang kawalan o kakulangan ng tiwala sa sarili.


Sa paksa – ito ang ating nararandaman tungkol sa isang bagay. Kadalasan, sa pananaw natin ibinabatay ang ating sinasabi. Maaring puro magagandang bagay lang ang iyong sasabihin tungkol sa isang bagay dahil gusto mo ito. Maari mo ring sadyang iwasang sabihin ang mga masamang bagay ukol dito dahil nga sa iyong pananaw o nararandaman.


Sa tagatanggap o kausap – ang nararandaman natin tungkol sa ating kausap ay malaki rin ang nagagawa sa nilalaman ng ating mensahe. Maaring iba ang ating mensahe kung tayo ay nagagalit o natutuwa sa ating kausap. Gayon din, iba ang paraan ng ating pakikipag-usap sa mga taong nakababa ang posisyon kaysa atin at sa mga taong nakatataas ang posisyon.


Kaalaman, malaki ang epekto ng ating nalalaman tungkol sa isang bagay para sa ating mabisang pakikipagkomunikasyon. Ang isang magsasaka halimbawa ay buong tiwala sa sariling makapagpapaliwanag tungkol sa pagtatanim at pangangalaga sa mga peste sa palay. Subalit makakarandam siya ng kaba kung ang pag-uusapan ay ang trapiko at iba pang problemang panlunsod.


Katayuang panlipunan – nakakaapekto sa paraan ng pagpapahayag ng nagpapadala at tumatanggap ng mensahe ang kanyang katayuan. Bawat isa sa atin ay may katayuang kinabibilangan sa lipunan. Kabilang sa katuyuang ito ang pamilya, paaralan, simbahan, pamahalaan, o barkadahan.

Kultura – higit na magiging mabisa ang komunikasyon kung ang nag-uusap ay may parehong kultura. Halimbawa ang pagbibigay ng biro (joke) ay magiging mabisa lamang kung ang nagbibigay at tumatanggap ng biro ay may parehong karanasan.


Mensahe




Bawat mensahe ay may dalawang aspeto. Ang nilalaman at pananaw. Sa laman ng mensahe makikita ang tema, dating at katwiran. Halimbawa ang isang lider ng kabataan ay hihiling sa isang kongresista na magpatayo ng isang palaruaan. Maaring maging laman ng kahilingan ang dahilan kung bakit dapat magtayo ng palaruaan sa kanilang lugar, ang halagang gugulin sa pagpapatayo at ang benepisyong matatamo ng komunidad sa pagpapatayo ng nabanggit na proyekto.


Sa pananaw naman makikita ang ayos ng mensahe. Sa halimbawang nabanggit sa itaas, maaring ayusin ng lider ng kabataan ang kanyang mensahe sa paraang higit na katanggap-tanggap sa kongresista. Siguro higit na makabubuting bigyan diin sa mensahe ang benepisyo at dahilan ng pangangailangan sa nabanggit na palaruan kaysa sa halagang magugugol.


Daluyan





Ayon sa mga social scientist, may dalawang anyo ng daluyan ng mensahe. Ito ay ang pandama (sensory channels) na kinabibilangan ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakirandam, at institusyonal (institutionalized channels) sa pamamagitan ng tuwirang pakikipag-usap, sa pamamagitan ng sulat o sa pamamagitan ng mga kagamitang electronics tulad ng telepono, computer, beeper, fax atbp.










Bawat daluyang institusyonal ay nanganga-ilangan ng isa o higit pang daluyang pandama. Halimbawa sa ating tuwirang pakikipag-ugnayan tunog sa pandinig, galaw sa paningin, at paghawak sa kamay para sa pakirandam.


Ang tuwirang pakikipagkomunikasyon ang pinakamainam gamitin kung ang layunin ay agad makatawag pansin at makakuha ng dagliang tugon.


Tumatanggap


Ang tumatanggap ng mensahe ay dapat magtuon ng pansin, magpakahulugan at tumugon sa mensahe. Layunin ng komunikasyon na mapaabot ang mensahe sa pinatutungkulan nito. Dapat isaalang alang ng nagpapadala ng mensahe na ang pinakaunang hakbang sa papapaabot ng mensahe ay kung paano matatawag ang pansin ng kausap. Matapos matawag ang pansin ng kausap ay dapat namang maipaunawa na wasto ang mensahe. Ang pagtawag ng pansin at pagpapaunawa ay pamamaraan kung saan dapat isaalang alang ang mga bagay na nakakaapekto sa pagpapadala ng mensahe. (kasanayang pangwika, ugali, kaalaman, katayuang panlipunan at kultura)


Matapos maituon ang pansin at maunawaan ang mensahe, ang susunod na hakbang ng tumatanggap ay ang pagtanggap. May tatlong antas o level ang pagtanggap. Una, pagkilala, naniniwala ang tumatanggap ng mensahe na tama ang nilalaman nito. Pangalawa, bisa, hindi lang naniwala sa katumpakan ng mensahe subalit naniwala rin ng may mabuting maidudulot o bisa ito. Pangatlo ay ang aksyon o pagkilos na dapat isagawa bunga ng mensaheng natanggap.


Tugon


Masusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng tugon. Ang tugon ay maari ring paraanin sa parehong daluyuan o sa ibang daluyan ayon sa hinihingi ng pagkakataon papunta sa nagpadala ng mensahe. Sa pagpaparating ng tugon dapat muling isaalang-alang ang mga bagay na nakakaapekto sa pagpapadala ng mensahe.




Ang tugon ay sukatan ng implwensya o kapangyarihan – Sa isang bansang demokratiko tulad natin, napakahalaga ang implwensya sa pamayanan o komunidad. Kung ang isang lider o isang grupo ay naging matagumpay sa pangangalap ng pondo para sa isang proyekto, masasabi ng lider o grupong ito na sila ay maimplwensya sa komunidad. Subalit kung walang sumuporta sa kanilang proyekto, masasabi namang silang walang implwensya o kapanyarihan sa komunidad. Samaktwid, maari nating sabihing ang implwensya o kapangyarihan ay nakasalalay sa kahusayan sa komunikasyon.










Iba't ibang kahulugan
Diksyunaryong Webster: Ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
Barnhart (American College Dictionary): Ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat, o pagsenyas.
Sikologo: Napiling pagtugon o reaksyon.
Dalubwika: Ang komunikasyon ay ang pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa at pakikibagay niya sa kanyang kapaligiran.
Aristotle: Nagsasalita, sinasabi, nakikinig
Wilbur Schurman:
Pinanggalingan - taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit, kumukumpas atbp.
Mensahe – pamamagitan ng simbolo, mga usapan, liham atbp.
Destinasyon – taong nakikinig, nagbabasa, nanonood atbp.
Richard Swanson at Charles Marquandt:
Ang pinanggalingan ng mensahe (participant na nagsulat o nagbasa)
Ang ideya o mensahe (binuong kaisipan)
Kodigo (wika, kumpas, ekspresyon ng mukha)
Tsanel (paraan ng paghahatid sa pamamagitan ng telepono, teleponong selular, liham, karaniwang usapan, atbp.)


Tumatanggap ng mensahe (kasali na nagbabasa o nakikinig)


Uri ng komunikasyon
Komunikasyon ng hayop
Komunikasyong interpersonal
Marketing
Propaganda
Kapakanang pampubliko
Ugnayang pampubliko
Komunikasyong intrapersonal
Komunikasyong di pasalita
Komunikasyong pasalita
Komunikasyong cross-cultural



Telekomunikasyon
Komunikasyong gamit ang kompyuter





Anyo at sangkap ng komunikasyong pantao
Nakikipagusap ang mga tao upang maipamahagi o maitukoy ang karanasan at kaalaman ng bawat isa. Maaari din na intrapersonal o interpersonal ang komunikasyon. May mga ilang teoriya ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao. Ito ay isang sistemang pagkaiintindihan sa bawat taong nagkakaintindihan. Maaari na intensyonal o di intensyonal, interaktib, transaktib,ang komunikasyon; maaari din na di pasalita o pasalita ito. puwede rin intrapersonal o kaya'y interpersonal ang komunikasyon pantao. May mga ilang paktor ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao.


Teknolohiya ng komunikasyon
Sa telekomunikasyon, nangyari sa pinakaunang transatlantic na pamamahayag gamit ang two-way radio noong Hulyo 25, 1940. (Tingnan din: semaphore, telegraphy, telephony, at radioteletype- kilala din bilang Public Switched Telephone Network, communications satellites, ethernet, at ang internet - isang network ng mga kabit-kabit na computer network.)

Habang bumabalangkas ang teknolohiya, kailangan din bumalangkas ang communication protocol; halimbawa, kailangang matuklasan ni Thomas Edison na kaunti lamang pagiging ambiguous ng pagbati ng hello sa pamamagitan ng boses sa malayong distansya; di maintindihan o nawawala ang transmission ng mga naunang pagbati katulad ng hail.

Maaaring paghiwalay ang pagkomunikasyon ng bawat tao sa iba't ibang larangan sa pagtubo ng palitang kaisipan sa pagitan ng maliliit na numerong ng tao (debate, talk radio, e-mail, personal na sulat) at sa mga malawak na pagkakalat ng isang payak na mensahe (ugnayang pampubliko, telebisyon, pelikula).

Hindi nagtatapos sa salitang ugat ng Latin na "communicare" ang pagkakautang natin sa mga Romano sa larangan ng komunikasyon. Sila ang kauna-unahang gumawa na maaari nating tawagin na tunay na sulat o sistemang koreo upang gawing sentro ang pagkontrol sa buong imperyo ng Roma. Dahil sa sistemang ito, madaling natipon ng Roma ang kaalaman ukol sa kaganapan ng karamihan sa kanilang laganap na lalawigan.

Isang mahalagang usapin sa komunikasyong gamit ang kompyuter ang virtual management.

Nagbabago ang komunikasyon sa pagunawa nito. Habang nagbabago ang mundo, nagbabago din ang paraan kung paano makipag-usap at mag-organisa. Sa katotohanan, ang pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon ang gumagawa sa pinakamalimit at laganap na pagpababago ng pilipino - tignan natin ang halimbawa ng pagtaas ng gamit ng web cam chat at iba pang biswal na komunikasyon na gumagamit ng network sa pagitan ng mga magkakalayong tao.


Mga hadlang sa komunikasyon
Communication apprehension ang tawag sa komunikasyon na may kasamang pagkabalisa. Maaring naimpluwensiyahan ng sariling-pagkakilala ang pagkabalisang iyon. At saka, maaari din maging sagabal sa komunikasyon ang bypassing (lumalagtaw), diskriminasyon at polarisasyon. Isa sa mahalagang hadlang sa maraming pook sa mundo ang pagkabigong ibahagi ang karaniwang wika






Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't - ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito. Masasabing mahigit pa sa isang mirakulo ang pagkakalinang ng wika. Ito'y nagbuhat sa isang di-pangkaraniwan, kahanga-hanga at masalimuot na sistemang sumasabay sa tao sa kanyang pag-unlad. Habang umuunlad ang tao, nalilinang ang wikang bumabagay sa kanyang pangangailangan sa buhay. Maraming paraan ng pakikipagtalastasan ngunit pinakamabisa at pinaka- mahalaga ang wika sapagkat buong linaw na naipahahayag ng tao ang lahat ng kanyang nasa isip at nadarama. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.KahalagahanKung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.[1] Mahalaga ang wika sa pakikipagtalasan maging sa pagtungo, paghahanapbuhay, at paninirahan sa ibang bansa.EtimolohiyaNag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.[1]Mga anyo ng wikaPinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.[2]Kasaysayan at teoriyaHindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing "ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan." Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba't ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng kalikasan" na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.[1]Mga katangianIto ang mga karaniwang katangian ng wika:1. may balangkas; 2. binubuo ng makahulugang tunog; 3. pinipili at isinasa-ayos; 4. arbitraryo; 5. nakabatay sa kultura; 6. ginagamit; 7. kagila-gilagis; 8. makapangyarihan 9. may antas; 10. may pulitika; 11. at ginagamit araw-araw. Mga antasKabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:· Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino · Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish" · Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan · Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook. · Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa. · Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika. Mga kagamitanIto ang pitong kagamitan ng wika:· Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan. · Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. · Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika. Kategorya ng paggamit ng wikaAng dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at inpormal o di-pormal.PormalAng pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan. 2. Pampanitikan o pangretorika - mga salitang gamitin sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining. Inpormal o di-pormalAng inpormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang. 2. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan. 3. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito. Mga sanggunian1. ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Languages". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977). 2. ↑ "Wika, salita, diyalekto, lingo [Ingles]". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990). Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/wiki/Wika"Mga katangian at kalikasan ng Wika:1. Ang wika ay mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang pinagkasunduan ng mga taong gumagamit nito.2. Ang wika ay paraan ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang ipahayag ng tao ang kanilang kaisipan, damdamin at pangangailangan.3. Ang wika ay mga isinatinig na mga tunog. Maraming tunog sa paligid ngunit hindi lahat ng tunog ay maituturing na wika. Ang mga tunog na maituturing na wika ay ang mga tunog na isinatinig sa tulong ng iba't-ibang sangkap ng pagsasalita gaya ng dila, ngalangala, babagtingang - tinig, atbp.4. Ang wika ay pantao. May mga tunog ding isinatinig ng mga hayop gaya ng kahol ng aso, unga ng kalabaw o tilaok ng manok, atbp. ngunit ang mga ito ay hindi wika. Ang wika ay pantao at magagamit ito sa pagsasalin ng kultura at may sistemang tunog at kahulugan.5. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura. Nakabatay ang wika sa kultura ng taong gumagamit ng wika. Sa pamamagitan ng wika nagkakaugnay ang tradisyon, kaugalian, mithiin, at paniniwala ng mga tao.6. Walang wikang nakatataas at mababang uri ng wika. Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian at kalikasan.
10 : 4 | 71.4% AC